Ang direksyong English papuntang Filipino
Dito nauubusan ng salita ang karamihan. Sa araw-araw, English na ang assessment, eligibility, referral, consent at liability sa bibig natin, kaya hindi agad dumarating ang pagsusuri, karapat-dapat, ipapasa sa espesyalista, pahintulot at pananagutan. Gumawa ka ng listahan kada domain, tapos sabihin nang malakas. Hindi sapat ang basahin lang.
Taglish: alin ang loanword, alin ang paglaktaw
Tanggap ng NAATI ang English na salitang karaniwan nang ginagamit ng mga nagsasalita ng Filipino, kaya hindi mo kailangang mag-imbento ng malalim na katumbas ng appointment o bank account. Nasa ugali ang panganib: kapag buong pangungusap ang nilipat mo sa English dahil mas mabilis itong abutin, tumigil ka na sa pag-interpret. Abutin muna ang Filipino, at gawing pili ang loanword.
Hindi sumusunod ang Filipino sa ayos ng English
Predicate muna ang Filipino, may ang, ng at sa na markers, at may focus ang pandiwa. Hindi sinusundan salita por salita ang "The doctor will refer you to a specialist next week": "Ire-refer ka ng doktor sa espesyalista sa susunod na linggo." Kapag mahaba ang segment, ang tukso ay i-mirror ang ayos ng English at mauwi sa sunud-sunod na ay na parang machine translation. I-restructure habang nakikinig pa lang.
Numero, petsa at halaga
Tatlong sistema ang pinagpipilian mo: katutubo (dalawampu't lima), Espanyol (beinte-singko, alas-dos y medya) at English (twenty-five dollars). Sa mahabang listahan ng halaga, petsa at phone number nahuhuli ang marami, kasi doon nangyayari ang paghahalo. Pumili ka ng isang sistema bago pa ang test at manatili ka roon, basta kumpleto at tama ang halaga at ang petsa.
Mga particle at panghalip pabalik sa English
May dalang kahulugan ang daw, pala at nga. Hearsay ang "Sabi daw ng doktor", at nawawalang impormasyon kapag nalaglag ito. Ganoon din ang siya na walang kasarian: sa English kailangan mong pumili ng he o she mula sa konteksto, nang hindi nag-a-assume. Sa we naman, kami kung hindi kasama ang kausap at tayo kung kasama.